https://cdnjs.cloudflare.com/ajax/libs/font-awesome/6.2.1/css/all.min.css

Ang kapangyarihan ay dapat ginagamit para bantayan ang [ating] kalayaan sa mas malawak at mas malalim na diwa nito—kalayaan hindi lang sa mananakop, kundi sa gutom, sa kahirapan, sa pangamba, sa kawalan ng katarungan.”

         Thus remarked Chief Justice Alexander G. Gesmundo, who led today’s 125th commemoration of the Philippine Independence Day at Barasoain Church, Malolos, Bulacan.

          Speaking in Filipino, Chief Justice Gesmundo added: “Ang kalayaan, at ang mga biyaya nito, dapat pinagsasaluhan ng lahat. Kung angkin ng sambayanan ang kapangyarihan, dapat sa kanila rin nakatuon ang paggamit nito.”

          The Chief Justice also stressed: “Kung nakalaan lang para sa iilan ang [kalayaan], hindi magiging makabuluhan at hindi magiging ganap ang ating kalayaan. Kaya tungkulin nating bantayan hindi lang ang ating kalayaan at kapakanan, kundi pati ng kapwa natin, ng bawa’t isa sa atin—at hindi lang para sa mga kapwa nating nabubuhay ngayon, kundi para sa mga susunod na henerasyon ng Pilipino,

          Chief Justice Gesmundo noted that it was fitting for the head of the Judiciary to commemorate this day at the historic Barasoain Church, where the first Philippine Constitution was drafted—the first republican constitution in all of Asia: “Sa Kongreso ng Malolos iniatas ang pagbuo ng saligang batas para sa bansa. Pormal itong pinagtibay at pinahayag… [at] naging hudyat ng pagkakatatag ng Unang Republika ng ating bansa, na kalaunan ay makikilala din bilang Republikang Malolos, na siya ring unang malayang republika sa Asya. Kaya naman para sa karamihan, ang Barasoain ay hindi lamang karugtong, kundi kulminasyon ng Himagsikang hinangad na palayain ang Pilipino mula sa higit tatlong siglo ng pananakop.”

          Chief Justice Gesmundo said that the Malolos Constitution outlined our principles as a nation and, most importantly, recognized and emphasized that sovereignty and absolute power rest in the hands of the people. With absolute power and sovereignty residing in them, the people must use these to guard and protect our freedom and independence at all costs.

          He added: “Lahat tayo, may karugtong na responsibilidad na dapat pasanin kasama ng mga karapatan at kalayaang tinatamasa natin. Nariyan, higit sa lahat, ang mga tungkulin natin bilang mga mamamayan. Kasama ng tungkulin nating pangalagaan ang ating kalayaan ang tungkulin nating pangalagaan ang ating kapwa, at ang tungkulin nating pangalagaan ang ating bansa—tungo sa kinabukasan na mas matatag, mas maunlad, at mas makatao para sa lahat.”

          Chief Justice Gesmundo said that the Judiciary, for its part, strives to fulfill its duty, particularly through the implementation of the Supreme Court’s Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 (SPJI). He said that the SPJI, the Court’s contribution in bridging and building a progressive future, not just for the Judiciary but for the whole country, is aligned with purpose of the Malolos Constitution and the Constitutions that followed.

          “Layunin ng SPJI na magtaguyod ng hudikaturang mas maliksi, mas makabago, at mas malapit sa tao. At ang layuning ito, masasabi nating nakatuon din sa layunin noon ng Konstitusyon ng Malolos at ng mga saligang batas na sumunod dito; ng Himagsikang Pilipino; at ng mahabang kasaysayan ng pagkilos tungo sa kalayaan: na magtatag ng isang bansang makatarungan,” said Chief Justice Gesmundo.

          The Chief Justice also gave a reminder that the commemoration of the country’s independence is not just about the past, but also the future of the nation: “Ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay hindi lamang tungkol sa kasaysayan. Tungkol din ito sa ating kinabukasan. Nagtitipon tayo dito ngayon sa Barasoain, na hindi lamang isang dambana ng pananampalataya, kundi dambana sa demokrasya at kalayaan; hindi lamang bilang isang pook ng kasaysayan, kundi bilang patunay na nasa kamay ng Pilipino ang kapalaran ng Pilipino, na ang ating kinabukasan ay atin para isulat.”

          Chief Justice Gesmundo concluded: “Nawa’y patuloy tayong magkaisa at magtulungan upang masigurong mas makatarungan, mas maunlad, at mas mapayapang kinabukasan ang ating lilikhain at ipapamana sa mga henerasyong susunod sa atin.”

          Joining the Chief Justice were Sandiganbayan Associate Justices Maria Theresa V. Mendoza-Arcega and Lorifel Lacap Pahimna, as well as Bulacan trial court judges. Also present were Bulacan Governor Daniel R. Fernando and Vice Governor Alexis C. Castro, Malolos City Mayor Christian D. Natividad and Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista, National Historical Commission of the Philippines Representative Rosario V. Sapitan, and other local government officials. ###